← HoraYaba
Visa Renewal sa Japan, Magmamahal na?
entertainment·2h

Visa Renewal sa Japan, Magmamahal na?

Kumapit na tayo mga besh, dahil mukhang ang next visa renewal natin ay katumbas na ng isang round-trip ticket pa-Pinas.

Ano'ng chika?

May bagong proposal ang Immigration Services Agency ng Japan na itaas ang mga bayarin para sa residence permit. Alam mo naman, 'yung pag-renew ng visa o pagpalit ng status.

Sa ngayon, 'di ba't ¥6,000 lang ang binabayaran natin (o ¥5,500 kung online). Ang plano nila ngayon, depende na sa haba ng ibibigay na visa. Kung 3 months lang, ¥10,000. Kung 1 year, aabot sa ¥33,000. At kung 5 years, humanda ka sa ¥75,000.

Yung ¥6,000 nga na revenue stamp, medyo masakit na bilhin sa konbini, 'di ba? Paano pa kaya 'yung ¥75,000? Parang isang buwan na upa na 'yun ng apartment ko.

At ang matindi… ang Permanent Resident

Kung nagbabalak kang mag-apply para sa Permanent Residency (Eiju), umupo ka muna. Mula sa kasalukuyang ¥10,000, ang bagong proposal ay gawin itong ¥200,000.

Oo, tama ang basa mo. Dalawang daang libong yen. Parang down payment na 'yan sa lupa sa probinsya natin ah. 😅

Bakit daw tataas?

Sabi ng Immigration, ang bagong presyo daw ay para mabawi 'yung gastos sa pag-proseso ng mga papel natin (mga sahod ng staff, gamit sa opisina, atbp.) na tinatayang nasa ¥10,000 kada tao. Tapos, idinagdag pa daw nila 'yung share natin sa gastusin para sa "foreigner policies" na nagkakahalagang ¥20,000 kada tao kada taon.

Basically, 'yung bayad natin ay para sa sahod ng staff nila at para sa mga polisiya na sila rin naman ang gumagawa para sa atin. Ewan ko, parang paikot-ikot lang.

Kailan 'to magsisimula?

Ang target date nila ay sa October 1, 2024. Pero bago 'yan, magkakaroon muna daw ng public comment period para pakinggan ang opinyon ng mga tao.

Kaya simulan na natin mag-ipon para sa susunod na revenue stamp. Baka kailangan na ng sarili niyang alkansya. 🐷

Mga Komento

⚡ Puno na ang early access

Lahat ng slot para sa komento ay puno na. Mag-sign up sa waitlist para maabisuhan kapag nagbukas muli.