Beach sa Japan, Bakit Biglang Nilangaw?
Habang sa Pinas ay parang laging may fiesta sa beach, 90% pala ng mga beachgoers sa Japan ay naglaho na since the 80s.
Anong chika?
Base sa isang article, bumagsak daw ang bilang ng mga pumupunta sa beach sa Japan. Mula sa peak na halos 38 million noong 1985, nasa 4.4 million na lang sila ngayon. Halos 90% ang nawala. Pati yung mga beach house na nagkalat dati, bilang na lang sa daliri ngayon sa maraming lugar.
Naisip ko lang, sa atin sa Pinas, kahit gaano kainit at kasikip, go pa rin tayo sa La Union o Batangas, diba? Dito, parang nag-iba na ang ihip ng hangin.
So, bakit daw sila 'umayaw'?
Maraming dahilan. Una, sobrang init daw. Valid naman, parang lalakad ka sa ibabaw ng frying pan 'pag summer dito. Pangalawa, hassle daw 'yung pagiging malagkit at 'yung buhangin na dumidikit sa lahat ng bagay. Plus, marami na raw ibang mas cool na paraan para mag-enjoy sa summer (sa loob ng aircon, malamang).
May point din 'yung isang writer: Dati daw kasi, 'yung pagpunta sa beach ay parang trend lang.

Sign in to keep your name & data