Magkano ba talaga ang lunch budget sa Japan?
Akala mo mahal na ang 1000 yen na lunch mo? May mga tao palang 3000 yen ang budget sa tanghalian. 🥲
Nabalitaan niyo na ba, bes? Nagmahalan na naman daw ang bilihin sa Japan. Parang kailan lang, yung paborito mong choco pie sa konbini, biglang may tinaas na ilang yen. Kaya isang kumpanya dito, nag-survey sa mga taga-Japan (20s to 30s) kung magkano ba talaga ang budget nila para sa lunch. At ang resulta... nakakaloka.
Ang mga mayayaman
May isang group, mga 2% to 3% ng tinanong, na ang budget daw sa pananghalian ay 2000 hanggang 3000 yen. Pataas. Uulitin ko. Isang tanghalian. Yung presyo ng isang set ng unagi, fancy sushi, o steak. Araw-araw. At ang aabangan mo, yung sagot nila nung tinanong kung anong gagawin nila kapag tumaas pa presyo. Sabi ng isa, “Hindi ko tinitipid ang pagkain.” Sana all.
I-tag mo yung kaibigan mong yayamanin na ganyan din ang motto sa buhay. Yung kahit anong mangyari, basta masarap ang kain. Sila yung mga tipong nagla-lunch sa hotel buffet kapag Martes lang.
Tayo, ang mga mortal
Pero syempre, andito tayo sa realidad. Ang number one na sagot sa survey ay 501-1000 yen. Dito tayo nagkakaintindihan. Ito yung budget para sa isang matinong teishoku, ramen, o yung medyo special na bento sa supermarket. Ito yung budget na pinagkakasya natin, diba?
Ang mas nakakalungkot ay yung 500 yen na budget, na nasa pang-5 na pwesto. Tinawag pa nilang “phantom” o pa-extinct na. Dati, hari ang “one-coin lunch.” Ngayon, swerte ka na kung makahanap ka ng gyudon na pasok sa presyo na yan. Sabi ng mga sumagot sa bracket na 'to, kung magmamahal pa, baka bawasan na lang daw nila ang kain. Aray ko. Ramdam kita, kuya.
At ang totoong kampeon...
Ang nakakatuwa? Ang pumangalawa sa survey na may pinakamaraming sagot ay: 0 yen. Zero. Naur. Ito yung mga taong nagbabaon ng sarili nilang gawa na bento. Isang life hack na matagal nang alam nating mga Pinoy para makasurvive sa mahal na bilihin dito. Sila pa-survey-survey, tayo naman, sanay na sa baunan life. 😂
Sa huli, kahit anong budget pa yan, ang importante ay may laman ang tiyan. Kahit onigiri lang yan. Diba?
