Bakit Daw Mas 'Mura' Tayo I-Hire sa Japan?
Ayon sa isang article sa Japan, mas mura daw ng ¥1.6M kada taon i-hire ang isang foreigner kaysa sa isang Hapon. 🥲
May isang article na lumabas sa President Online dito sa Japan na pinag-uusapan yung sahod. Sabi dito, napansin daw nila na sa mga industry na maraming foreign workers (ehem, food service, factories), parang hindi raw tumataas ang sahod ng mga Hapon. In fact, kung i-consider daw ang inflation, bumaba pa raw ito.
Lagi nating naririnig na "human resources shortage" o 人手不足 (hitoribusoku) daw kaya kailangan ng foreigners. Pero ayon sa article, ang mga kumpanya—mga convenience store, construction, at restaurant chains—ay kumikita ng record profits. So, saan napupunta yung pera kung hindi sa sahod?
Yung Math Pala, Medyo Masakit
Dito medyo nakakaloka yung paliwanag. Nag-calculate sila ng estimated cost ng pag-hire ng isang Hapon kumpara sa isang foreigner, halimbawa sa isang factory. Ang lumabas, may differencc na aabot sa ¥1.62 million kada taon.
Hindi ito dahil mas mababa ang monthly salary natin—bawal 'yon sa batas. Ang dahilan daw ay yung "long-term cost." Ang isang Japanese employee kasi, expected na may yearly salary increase, mas malaking bonus, at retirement pay. Pang-matagalan ang plano sa kanila.
Tayo naman, lalo na sa mga visa tulad ng Tokutei Gino, may 5-year limit. After 5 years, parang nag-rereset ang lahat. Kaya para sa kumpanya, mas predictable at mas mababa ang total cost in the long run. 'Yun pala ang 'karakuri' o 'yung sikreto.
So, Anong Ibig Sabihin Nito?
Ang nangyayari daw, dahil may option na mas "mura," hindi na kailangan ng mga kumpanya na magtaas ng sahod para maka-attract ng workers. Kung may umalis na Hapon dahil sa mababang sahod, ang solusyon ay hindi itaas ang sweldo, kundi mag-hire ng foreigner. Tapos, sasabihin nila sa gobyerno, "Kulang po kami sa tao!" para mas maraming foreigners ang payagang pumasok.
Sabi naman sa article, hindi ito kasalanan ng mga foreign workers na pumupunta dito para magtrabaho. Produkto lang daw tayo ng isang sistema na ginawa para palakihin ang kita ng mga kumpanya.
Nakakaloka isipin na parte pala tayo ng isang malaking cost-benefit analysis. 😅

Sign in to keep your name & data