Bangkay sa Freezer sa Kobe: 12 Taon Bago Nalaman
Pinutulan ng kuryente, kaya lang naamoy ang bangkay na mahigit 12 taon nang nakatago sa freezer.
Anong nangyari?
Isang lalaki sa Kobe, halos 13 taon nang patay sa loob ng sarili niyang apartment. Pero ngayon lang natagpuan.
Noong June 19, may isang residente sa isang apartment building sa Chuo Ward, Kobe na tumawag sa pulis. May mabahong amoy daw na nanggagaling sa katabing unit. Kinabukasan, pagpasok ng mga pulis, nakita nila ang isang freezer na hindi na gumagana.
Sa loob nito, natagpuan ang katawan ni Yutaka Nishiguchi na nasa state of decomposition na. Ang mas malala, hinati ang katawan niya sa dalawa at isinilid sa dalawang bag. Suot pa niya yung T-shirt at shorts niya nang ilagay siya doon.
Paanong hindi napansin?
Ayon sa autopsy, namatay si Nishiguchi noong bandang December 2011. He was 42 years old then. For over a decade, nasa freezer lang siya, sa sarili niyang apartment.
Walang signs of robbery. Walang bakas ng dugo. Pero ang tingin ng pulis, ito ay murder and body abandonment case. Nag-assign na sila ng 80-person investigation team para sa kaso.
Ang isang detail na nakaka-bother: walang auto-lock o security gate ang building. So kahit sino, pwedeng pumasok at lumabas nang basta-basta. Sino kaya ang gumawa nito at paano nila naitago for so long?
Hindi ito ang unang beses
Actually, hindi ko rin alam na may mga ganitong kaso pala dito hanggang sa nabasa ko 'to. Hindi siya isolated incident.
Noong 2023, isang 75-anyos na lola sa Ibaraki ang umamin na tinago niya ang bangkay ng adult daughter niya sa freezer sa loob ng 20 taon.
Tapos noong 2021, isang babae sa Tokyo ang nahuli dahil ang bangkay ng nanay niya, tinago niya sa freezer for more than 10 years. Ang dahilan niya? Takot daw siyang mapalayas sa tinitirhan nilang public housing kung malalaman na patay na ang nanay niya. ๐ฅถ
