10 Minuto na Stretching Kada Linggo, Sapat na Raw?
Sabi ng mga expert sa Japan, 10 minuto lang na stretching kada linggo, sapat na raw para lumambot ang katawan mo.
So ano'ng chika?
Akala natin lahat, kailangan ng mahabang oras para mag-stretch para maging flexible. Pero ayon sa isang pag-aaral na pinangungunahan ng isang top researcher sa Japan, si Professor Masatoshi Nakamura, ang mahalaga raw pala ay 'yung kabuuang oras sa loob ng isang linggo, hindi 'yung haba ng isang session.
Ang magic number: 10 minuto (600 seconds) kada linggo para sa bawat parte ng katawan. Kung hahatiin mo 'yan araw-araw, parang 86 seconds lang per day. O kaya, tatlong 30-second stretch sa isang araw—isa sa umaga, isa sa tanghali, isa bago matulog. Kayang-kaya, diba? 😅
Pwede bang sa weekend na lang lahat?
Alam ko iniisip mo, babawiin mo na lang sa day-off. Pero 'wag daw. Tinawag nila itong "weekend warrior" strategy at hindi raw ito effective. Kasi pagkatapos ng tatlong araw na hindi ka nag-stretch, bumabalik sa dati 'yung paninigas ng katawan mo. Parang one step forward, two steps back ang nangyayari.
Kaya mas maganda pa rin 'yung unti-unti pero consistent. Kahit diyan lang sa sahig ng maliit mong apartment habang naghihintay maluto 'yung kanin.
Hindi lang 'yan para sa flexibility
Marami pa palang ibang benefits. Nakakatulong daw ito para ma-relax ka, lalo na kung galing ka sa stress sa trabaho o sa siksikan sa train. Pinapagana nito 'yung "rest mode" ng katawan mo.
Nakakababa rin daw ito ng blood pressure. Sa isang study, mas naging epektibo pa raw ang 30-minutong stretching (5x a week) kumpara sa mabilis na paglalakad para magpababa ng alta-presyon. Good news 'to kung tinatamad kang lumabas pag umuulan o sobrang lamig.
Tsaka 'yung pakiramdam na "ang sakit!" 'pag nag-i-stretch ka? Unti-unti raw masasanay 'yung utak mo. Hindi sa nagiging manhid ka, pero tumataas 'yung pain threshold mo, kaya mas malayo na 'yung abot mo sa susunod.
At kahit anong edad, pwede kang magsimula. May ebidensya raw na kahit 'yung mga 80 to 90 years old, lumalambot pa rin ang katawan sa stretching. Kaya wala tayong excuse.

Sign in to keep your name & data