Besseh, Baka Oras Nang Magbawas ng Gamit
Yung organized ka nga, pero 'di mo na maalala kung anong meron ka sa bahay. ๐
Lahat tayo dumaan diyan. Lalo na dito sa Japan, ang hirap pigilan ang sarili sa 100-yen shop o Don Quijote. Tapos bibili ka ng sandamakmak na storage box para lang itago lahat ng kalat mo. Akala mo solved na, pero ang totoo, tinatago mo lang ang problema.
Sabi ng isang Japanese organizing expert, hindi porket kasya sa cabinet, eh kailangan mo nang itago habambuhay. Baka sign na 'to para mag-declutter ka, friend.
Kung 'di mo na matandaan, let go na
May isang bahay daw siyang pinuntahan na sandamakmak ang bote ng lumang umeshu (plum wine) sa pantry. Ang ganda ng pagka-arrange, pero nakalimutan na pala ng may-ari na meron siya noon. Relate, 'di ba? Ilang instant ramen na ba ang nag-expire sa likod ng cabinet mo? O yung mga skincare na binili mo sa sale, nakalimutan mo na palang gamitin?
Ang rule of thumb: kung kailangan mo pang i-check para malaman kung meron ka pa, baka masyami ka na niyan. Ang goal ay dapat alam mo by heart kung ano ang laman ng closet at pantry mo. Para hindi ka bili nang bili ng parehong bagay.
Kung 'di mo naman nauubos, ipasa mo na
Nagbabago ang buhay, bes. Dati siguro masipag kang magluto, kaya ang dami mong biniling spices at ingredients. Pero ngayon, dahil sa pagod sa trabaho, mas madalas ka na sa Sukiya o konbini. Yung mga gamit mo sa baking na na-touch mo lang isang beses, andiyan pa rin.
Okay lang 'yan. Part 'yan ng pag-move on. Kung hindi mo na nagagamit o nauubos, baka mas may pakinabang 'yan sa iba. Oras na para i-update ang mga gamit mo para mag-match sa lifestyle mo ngayon, hindi yung lifestyle mo five years ago. Pwede mong ipamigay sa mga kaibigan o ibenta sa mga

Sign in to keep your name & data