Bakit Daw Tuwang-Tuwa ang PM na Paliit Nang Paliit ang Yen?
Habang tayo'y nag-aalala sa palitan ng yen to peso, may isang taong tila 'di apektado: ang Prime Minister mismo. 😅
Ano'ng nangyayari sa pera natin?
Lately, napapansin siguro nating lahat na parang mas mabilis pa sa shinkansen ang pagbaba ng halaga ng yen. Para sa ating mga nagpapadala sa Pilipinas, bawat yen ay mahalaga. Pero ayon sa mga foreign investor, parang balewala lang daw ito kay Prime Minister Sanae Takaichi.
Sa mga meeting nila, napapakamot daw sila sa ulo. Sa panahon na tumataas ang presyo ng bilihin (inflation), ang gusto raw ng gobyerno ay gumastos pa lalo. Tapos, parang wala raw pakialam ang PM sa paghina ng yen. Yung tipong tinatanong na sila ng mga kliyente nila, "Seryoso ba? Naiintindihan ba niya yung risk?"
Ang "Hoku-Hoku" Moment
Ang pinaka-nagpataka sa lahat ay yung isang speech niya. Sinabi niya na ang mahinang yen ay isang "malaking chance" para sa mga export companies. Okay, gets pa natin 'yun. Pero ang kasunod na sinabi niya ang nagpa-viral.
Sabi niya, dahil sa mahinang yen, ang foreign currency fund ng gobyerno ay "hoku-hoku state" daw. Ang "hoku-hoku" (ホクホク) ay parang sinasabi mong sobrang saya mo at kampante, parang bagong sahod na nakakain ng masarap at mainit na pagkain. Imagine mo, habang tayo'y nagcocompute kung magkano na lang matitira, ang gobyerno pala, "hoku-hoku".
Ang Kinatatakutang "Sanae Shock"
Dahil sa mga ganitong pahayag, kinakabahan na ang mga international investors. Mayroon na ngang hashtag na #高市不況 (Takaichi Recession). Ang takot nila ay baka matulad ang Japan sa nangyari sa UK noon — yung tinawag na "Truss Shock" kung saan biglang bumagsak ang pera at bonds nila dahil sa mga polisiya na 'di pinag-isipan.
Ngayon, ang bulung-bulungan ay baka magkaroon ng "Sanae Shock." Ito yung scenario kung saan sabay-sabay na babagsak ang yen, tataas ang bilihin, babagsak ang stock market, at hihina ang ekonomiya. Parang combo meal ng problema. Marami raw investor ang nagsisimula nang magbenta ng Japanese yen at bonds para makaiwas.
Sa ngayon, tanging ang Finance Minister lang daw ang tila nag-aalala at sinusubukang pigilan ang pagbagsak. Tayo naman, check na lang ulit ng currency exchange app. 🥲

Sign in to keep your name & data