Yung Pangarap na PR, Baka Kailangan Na ng Mas Malaking Sahod
Seryoso, yung sahod na kailangan para sa PR sa Japan, baka umabot na sa halos ¥480,000 kada buwan. 🥲
Ano'ng bagong chika?
Mukhang seryoso ang Japan sa paghihigpit ng requirements para sa pagkuha ng Permanent Residency. Ayon sa mga balita, isa sa mga tinitingnang bagong rule ay dapat mas mataas daw ang sahod ng aplikante sa average na kita ng isang Japanese household.
Base sa 2024 data, ang average household income sa Japan ay nasa ¥5.752 milyon kada taon. Kung hahatiin mo 'yan per month, aabot 'yan sa mga ¥479,000. Aray ko beh. Hindi pa malinaw kung sahod mo lang ba 'to o kasama kita ng asawa mo, pero kahit na, ang sakit sa bangs.
'Di lang sahod ang usapan
Bukod sa sahod, gusto rin daw nilang makita na kaya mong buhayin ang sarili mo pagtanda. Titingnan nila kung sapat ba ang magiging pension mo in the future—katumbas daw ng isang taong naghulog sa厚生年金 (kosei nenkin) for 30 years.
Kung hindi aabot, kailangan mong ipakita na may sapat kang ipon, stocks, o ibang assets para punan yung kulang. Parang sinasabi na, "Bes, patingin ng bankbook mo, now na." Yung ipon mo para sa uwi sa Pinas, isasama na yata sa computation.
Bakit daw ganito?
Ang rason daw ng gobyerno ay dahil dumarami ang kaso ng mga PR holders na nag-a-apply for public assistance o 生活保護 (seikatsu hogo). Gusto nilang masigurado na self-sufficient ka talaga for the long term.
May chismis pa na baka isama na rin sa requirements ang Japanese language skills at kung sumusunod ka ba sa mga rules dito (yep, kasama na siguro yung tamang pagtapon ng basura). Ang siste, hindi pa sure kung kailan 'to magsisimula—sabi ng iba sa October, sabi ng iba baka retroactive pa sa mga nag-apply since April this year. Hay nako, Japan. Classic.
Kaya ayun. Habang hinihintay ang pinal na desisyon, balik muna tayo sa pag-ipon at pag-o-overtime. Tag mo na yung tropa mong nagbabalak mag-PR. 😂

Sign in to keep your name & data