Bakit 'di mabaho ang mga Hapon? Nasa tutuli pala ang sagot.
Nagtataka ka ba kung bakit sa Japan, parang walang gumagamit ng tawas o malakas na deodorant?
Ang misteryo ng deodorant aisle
Isa sa mga unang mapapansin mo pagdating sa Japan ay ang liit ng section ng deodorant sa mga drugstore. Kung sa Pinas, isang buong shelf 'yan, dito, isang maliit na basket lang minsan sa tabi ng mga pabango.
Kahit siksikan pa sa tren tuwing summer, bihira kang makaamoy ng matapang na... alam mo na. 😅 Parang lahat fresh lang. Naisip ko dati, baka magic o dahil lang sa lagi silang may dalang pamaypay at panyo. Pero may scientific explanation pala.
Ang sikreto ay nasa gene
May isang gene na tinatawag na ABCC11. Ito raw ang nagde-determine kung anong klaseng earwax (tutuli) meron ka, at konektado ito sa body odor.
May dalawang klase. Kung ang tutuli mo ay dry at flaky, malamang dala mo ang version ng gene na 'yan na ibig sabihin, halos wala kang natural body odor. Kung ang tutuli mo naman ay wet at sticky, dala mo 'yung version na may kasamang body odor.
Karamihan pala sa mga East Asian—tulad ng mga Hapon at Koreano (sa katunayan, 100% ng mga Koreano)—ay may "dry" type. Kaya pala! Samantalang sa mga taga-Africa at Europe, mas karaniwan ang "wet" type.
Tayong mga Pinoy, nasaan diyan?
So, kumusta naman tayong mga taga-Southeast Asia? Wala pang specific data para sa mga Pilipino, pero sa kalapit nating Vietnam, ganito ang hatian: 54% sa kanila ay may dry-type, 39% ay medyo wet, at 7% ay very wet-type.
Kung 'di mo sure kung anong type ka, may isang nakakatawang suhestiyon para malaman. Subukan mo raw 'wag maligo ng isang linggo, o kaya pagkatapos mong mag-gym, tanungin mo 'yung kaibigan mo para sa isang tapat na opinyon. Good luck na lang sa friendship n'yo. 😂
