Gusto Mag-overtime? Kakaunti Lang Pala Tayo sa Japan
Karamihan sa atin, gusto nang umuwi, pero may iilan daw na gustong-gusto pang mag-overtime. ๐ค
Sino 'tong mga 'to?
Ayon sa isang survey ng University of Tokyo, kakarampot lang pala talaga ang may gustong habaan pa ang working hours nila. Sa mga lalaki, 3% lang. Sa mga babae, 6%.
Mahigit kalahati ang kuntento na sa kasalukuyang oras nila, habang 'yung iba (40% ng lalaki, 30% ng babae) ay gustong bawasan pa nga. So sino 'tong masisipag na nilalang na gustong magdagdag ng trabaho? Hindi sila 'yung mga seishain (regular employees) na pagod na sa buhay โ 1-2% lang sa kanila ang may gusto nito.
Ah, kaya pala...
Ang mga gustong humataw pa sa trabaho ay karamihan palang mga non-regular workers, tulad ng mga part-timer at haken (dispatched staff). Sa kanila, nasa 12-13% ang nagsabing gusto nilang magdagdag ng oras.
May koneksyon din ito sa sahod. Kung mas mababa ang personal na kita, mas malaki ang chance na gusto mong mag-trabaho pa. Realidad lang. Kailangan kumita para sa pambayad ng yachin at pangkain, diba? Hindi dahil sa sobrang pagmamahal sa opisina.
Kumusta na sila ngayon?
Sinundan ng survey 'yung mga taong nagsabi noong 2024 na gusto nila ng mas mahabang oras. At ang resulta, nakakagulat. Mas maraming babae ang nagtagumpay na habaan ang oras nila (63%) kumpara sa mga lalaki (25.8%).
At hindi lang basta-basta pagtaas. Ang mga babae, nag-average ng 19.4 hours na dagdag kada buwan. Halos isang oras kada araw! Ang mga lalaki, 5.1 hours lang. Ang dahilan? Marami sa mga babaeng ito (27.7%) na dating non-regular ay naging regular employees na. Sila 'yung nag-request, sila rin 'yung nakakuha.
