Bonus na 1M Yen, Pero Sahod Mo 'Di Ramdam?
Sabi ng gobyerno, record-breaking daw ang kita ng Japan, pero bakit parang resibo lang natin ang kumakapal? ๐ค
Ang Ganda sa Papel
Lumabas sa balita na ang tax revenue o kita ng Japan mula sa buwis ay aabot daw sa 84.2 trillion yen. Trillion, ha. Tapos, inanunsyo pa ng Keidanren (isang malaking business federation) na ang average summer bonus sa mga major companies ay umabot ng 1,008,706 yen.
Wow, 'di ba? Sana all. Pero teka, may survey ang Bank of Japan at tinanong nila ang mga tao kung nararamdaman ba nilang umuunlad ang ekonomiya. Ang sagot? 6.3% lang ang nagsabing "oo".
Ibig sabihin, sa bawat 100 katao, anim lang ang nakakaramdam ng "good vibes" sa ekonomiya. Yung 93.7% siguro, kasama tayo dun na nagtataka kung saang universe nangyayari yung good news.
Bakit Hindi Natin Ramdam?
Simple lang naman. Una, kahit may umento sa sahod (yung 5.01% na pinagmamalaki nila), kinakain naman ito ng inflation at pagtaas ng social insurance (hello, shakai hoken!). Sa huli, mas mababa pa rin daw ang tunay na halaga ng sahod natin kumpara last year. Apat na taon na daw ganito.
Malaki rin daw ang agwat ng malalaking kumpanya sa mga maliliit. Kung nasa dambuhalang korporasyon ka, malamang kasama ka sa nakatanggap ng malaking umento at bonus. Pero para sa nakararami na nagtatrabaho sa small-to-medium enterprises (SMEs) โ na bumubuo sa 90% ng mga kumpanya sa Japan โ mahigpit pa rin ang kapit.
Sabi nila, hindi raw nila kayang itaas ang sahod kasi hirap silang ipasa sa presyo ng produkto nila ang pagmahal ng kuryente, gas, at raw materials. So, sila ang sumasalo ng gastos.
Yung "Tulong" na Baka Hindi Para Sa'yo
May mga usapang "tax cut" para daw gumaan ang buhay. Maganda pakinggan, pero tingnan natin. Halimbawa, consumption tax cut para sa pagkain. Kung mas marami kang binibili, mas malaki ang matitipid mo. Sino ba ang mas maraming binibili? Yung mayaman, diba.
Ganun din sa housing loan. Kung mas malaki at mahal ang bahay mo, mas malaki ang bawas sa buwis mo. Sa gasoline tax cut naman, kung marami kang sasakyan o palagi kang bumibiyahe, mas malaki ang pakinabang mo. Paano naman tayong mga naka-tren lang araw-araw?
Ang ganda pakinggan ng salitang "tulong," pero sa disenyo ng sistema, parang mas nakikinabang pa rin yung mga may kaya na.
Samantala, yung sobrang 9 trillion yen na kita ng gobyerno? May usapang baka mapunta lang sa pagpapalakas ng defense budget. Tayo naman, busy pa rin sa pag-calculate kung kasya ba ang budget hanggang sa susunod na sahod. ๐คท
