Presyo sa Japan, Tataas Na Naman sa 2026
Bes, kapit lang. Simula Hulyo, pati presyo ng instant noodles at tinapay, aakyat na naman. ๐ฅฒ
Ano na namang tinaas?
Get ready, mga kabayan. Ayon sa balita, simula Hulyo 2026, aabot sa 2,566 na produkto ang magtataas ng presyo. First time in 3 months na umabot ulit sa 2,000+ items ang nasa listahan.
Nangunguna sa listahan ang dalawa sa mga bumubuhay sa'tin dito: tinapay (pan) at instant noodles (sokuseki men). Mahigit 1,078 klase ng tinapay ang magtataas ng 5% hanggang 15%. Yung paborito mong shokupan at melon-pan sa konbini, damay na diyan. Samantala, 1,084 na processed foods, karamihan instant noodles, ang kasama rin.
Sino'ng apektado? Tayo.
Sa isang interview, sabi ng isang 70-anyos na lolo, direkta daw tama sa budget niya. Kaya ang diskarte niya, lumilipat na lang siya sa mga mas murang bilihin para makaraos.
Yung isang nanay naman na may anak, ang sabi niya,
